Wednesday, December 25, 2024

HomeNewsPagsabog ng Bulkang Kanlaon, nagdulot ng makapal na Ash Fall sa Negros...

Pagsabog ng Bulkang Kanlaon, nagdulot ng makapal na Ash Fall sa Negros Occidental

Patuloy na nakakaranas ng pagbagsak ng abo ang mga residente ng Negros Occidental matapos ang malakas na pagsabog ng Bulkang Kanlaon nito lamang Lunes ika-3 ng Hunyo 2024. 

Ang pagsabog ay nagdulot ng makapal na abo na bumalot sa mga kalapit na lugar, partikular na sa bayan ng La Castellana.

Ayon sa panayam kay Irish Casag, isang residente mula La Castellana, Negros Occidental, “Nasa limang kilometro kami mula sa bunganga ng Mt. Kanlaon. Puno ng abo ang paligid, at nagsusuot kami ng facemask para proteksyon”, aniya.

Iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na ang Bulkang Kanlaon sa Negros Occidental ay nasa Alert Level 2 parin dahil sa patuloy na pagtaas ng aktibidad nito. 

Ang pagtaas ng alert level ay indikasyon ng patuloy na pag-aalburoto ng bulkan na maaaring magdulot ng mas malakas na pagsabog.

Higit sa 1,000 residente ang napilitang lumikas mula sa mga baryong sakahan malapit sa bulkan sa dalawang bayan at dalawang lungsod sa Negros Occidental, pati na rin sa isang lungsod sa Negros Oriental. 

Ang mga lumikas ay pansamantalang nanunuluyan sa mga evacuation center upang matiyak ang kanilang kaligtasan.

Ang mga lokal na pamahalaan ay patuloy na nagpapaalala sa mga residente na magsuot ng facemask at iwasang lumabas ng bahay hangga’t maaari upang maiwasan ang masamang epekto ng paglanghap ng abo. 

Patuloy din ang pagbibigay ng tulong sa mga apektadong pamilya at ang monitoring ng Phivolcs sa aktibidad ng Bulkang Kanlaon.

Source: Philippine Star

Panulat ni Justine 

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe