Samar – Muling nanawagan ang Philippine Army sa New People’s Army (NPA) na itigil na ang pagsali sa mga menor de edad sa kanilang armadong pakikibaka laban sa gobyerno.
Nagsagawa ng apela si Maj. Gen. Camilo Ligayo noong Huwebes, Nobyembre 24, 2022, matapos ibunyag ng isang rebeldeng sumuko kamakailan na mayroong mga menor de edad na ni-recruit ng komunistang grupo.
“Ang ating mga kabataan ay dapat nasa paaralan at protektado mula sa lahat ng uri ng pang-aabuso. Isipin ang trauma ng isang menor de edad na nakikipaglaban, nagugutom sa loob ng maraming araw, kulang sa tulog at walang katapusang paglalakad para sa ideolohiya na hindi nakatulong sa kahit isang NPA na magtagumpay sa buhay sa loob ng halos 54 na taon,” sabi ni Ligayo sa isang pahayag.
Sinabi ng NPA surrenderer na si alyas “Anthon” sa mga sundalo na mayroon siyang dalawang kasamahan, parehong 17 taong gulang.
Si alyas “Anthon”, na sumuko noong Nob. 19, ay miyembro ng Bugsok Platoon, sub-regional committee Sesame sa loob ng isang taon.
“If he was with 17-year-olds, they were probably recruited by a younger person. Isa itong malinaw na paglabag sa International Humanitarian Law,” dagdag ni Ligayo.
Ang Rule 136, Protocols I at II ng International Humanitarian Law ay nagsasaad na “ang mga bata ay hindi dapat i-recruit sa armadong pwersa o armadong grupo”.
Umapela din si Ligayo sa publiko na suportahan at protektahan ang kapakanan ng mga bata at tumulong na matigil ang recruitment sa mga kabataan.
Ang militar ay nagsasagawa ng mga diyalogo sa mga magulang at opisyal ng mga barangay upang makatulong na maiwasan ang aktibidad ng pagrerecruit sa mga menor de edad.
Sinabi ni Ligayo na sinisikap nilang tukuyin ang mga magulang ng mga menor de edad na ni-recruit ng NPA para kumbinsihin ang kanilang mga anak na sumuko.
Ang local task force to end local communist armed conflict ay nakikipagpulong sa mga opisyal at guro ng paaralan upang protektahan ang mga kabataan mula sa mapanlinlang na recruitment at radikalisasyon ng Communist Party of the Philippines -NPA – National Democratic Front at ng kanilang mga front organization.
“While parents are working hard for the good future of their children, these rebels are still rampant in stealing children from parents whom I think are now looking for and worried about the condition of their children,” dagdag ni Ligayo.
Ang panawagan ng mga awtoridad ay bahagi ng pagdiriwang ng Children’s Month ngayong Nobyembre.