Pagpatay sa isang negosyante sa Kabankalan City, inako ng NPA

0
32
Screenshot

Inako ng New People’s Army (NPA) ang pagpatay ng isang negosyante sa Sitio Makilo, Brgy. Camansi, Kabankalan City sang Domingo, Disyembre 14, 2025.

Kinilalq ang biktima na si Alberto Jimenez, 54 anyos, lalaki, livestock buyer at residente ng Sitio Makilo, Brgy. Camansi, Kabankalan City, Negros Occidental.

Sa isang interview sinabi ni Police Lt Col. Roberto Indiape, hepe ng Kabankalan City Police Station, na inaayos lamang umano ng biktima ang kaniyang motorsiklo nang ito ay nilapitan at pinagbabaril ng dalawang hindi pa nakilalang indibidwal.

Matapos ang insidente ay agad na tumakas ang mga suspetsado. Narekober naman sa crime scene ang dalawang fired cartridges ng .45 caliber pistol.

Dagdag pa ng hepe ng Kabankalan CPS na naglabas umano ng press release ang CPP-NPA na sila ang responsable sa pagpatay ng biktima.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na nagpapakilala umano ang biktima bilang isang asset ng army at ng pulis, kaya pinag-initan ng makakaliwang grupo.

Samantala, ang biktima ay nagtatrabaho lamang umano bilang isang mekaniko at negosyante rin ng mga livestocks.

Leave a Reply