Nakatuon parin ang pamahalaan sa pag-akit ng mga dayuhang mamumuhunan na magbibigay sa Pilipinas ng maraming trabaho at serbisyo para sa mga Pilipino, ayon kay DTI Usec. Kim Lokin.
Ayon dito, patuloy na ita-target ng Marcos Administration ang high value investments na papasok sa bansa ngayong taong 2024.
Kung matatandaan noong nakaraang 2023, aabot sa 1 trilyong piso ang nakuhang investment approval mula sa mga biyahe ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na naitala ng Board of Investment (BOI).
Dagdag pa ni Lokin, maganda ang sitwasyon sa Pilipinas dahil ito ang pinipili ng mga dayuhang investors, bilang destinasyon para magnegosyo.