Friday, January 10, 2025

HomeNewsPagpapalawak ng VICT, pinangunahan ni PBBM

Pagpapalawak ng VICT, pinangunahan ni PBBM

Mismong si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang nanguna sa pagpapalawak ng Victoria International Container Terminal (VICT) sa isinagawang paglulunsad nito kasabay ng kanyang partisipasyon sa 50th ASEAN-Australia Special Summit sa Melbourne, Australia nitong March 4, 2024.

Ang VICT ay katuwang ng International Container Terminal Services Incorporated (ICTSI) mula pa noong 2017. Ito ang pinakauna-unahang entry point ng ICTSI sa bansang Australia.

Ayon pa ni Pangulong Marcos, mula nang maitayo ang VICT kasunod ng pagdating ng ICTSI sa Australia noong 2014, ito ay naging malaking tulong sa pagkakaroon ng mga modernong kagamitan para sa maritime industries.

Dagdag pa ni PBBM na ang Victoria International Container Terminal ang bukod-tangi at nag-iisang fully-automated container terminal sa southern hemisphere. Isa lamang itong patunay ng magandang naidudulot ng teknolohiya.

Sinabi rin ng Pangulo na sa pagkakaroon ng mga modernong kagamitan ng VICT, nagkaroon ng mas ligtas na working environment ang mga manggagawa, at mas naiwasan pa ang dati ng mga occupational hazards sa nasabing industriya.

Samantala, pinasalamatan naman ni PBBM ang CEO ng VICT na si Bruno Porchietto sa patuloy na suporta nito sa lahat ng Filipino community sa Victoria. Positibo naman ang Pangulo na mas magiging matagumpay pa ang ugnayan ng Pilipinas at Australia hindi lamang sa usapin ng maritime industry kundi pati na rin sa iba pang mga sektor gaya ng pagpapalago ng ekonomiya at iba pa.   

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe