Saturday, October 5, 2024

HomeNewsPaglalagay ng CCTV camera sa mga pampublikong paaralan, sinimulan na sa Talisay...

Paglalagay ng CCTV camera sa mga pampublikong paaralan, sinimulan na sa Talisay City

Sisimulan na ng Pamahalaang Lungsod ng Talisay ng paglalagay ng mga closed-circuit television camera (CCTV) sa mga pampublikong paaralan na magsisimula sa Barangay Maghaway Elementary School Martes, Abril 25, 2023.

Pinasalamatan ni City Councilor Eduardo “Digul” Gullas, Chairman ng Committee on Education, ang kanyang kapatid na si Mayor Gerald Anthony “Samsam” Gullas at ang Local School Board sa pagbibigay ng sapat na pondo para sa proyekto.

Pahayag ng principal ng Maghaway Elementary School na si Wyn Elnas, malaking tulong ang surveillance camera lalo na’t dalawang beses nang nasira ang kanilang canteen na walang nahuhuli.

Ibinunyag ni Talisay City Schools Division Superintendent Dr. Arden Monisit na malaki ang maitutulong ng nasabing kagamitan sa mga security personnel ng paaralan.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
156SubscribersSubscribe