Sa isang press conference, iginiit ni Acting Mayor Raymond Alvin Garcia ng Cebu City nitong Lunes na gagawin niya ang Palarong Pambansa 2024 na hindi malilimutan para sa mga atleta na makikipagtagisan sa iba’t ibang sporting event sa Hulyo.
Sinabi ni Garcia na kanyang pinapakiusapan ang mga contractors na tapusin ang rehabilitasyon ng track oval sa Cebu City Sports Center sa oras o kung hindi ay haharap sila sa mga kaukulang parusa.
“We are facing the importance of meeting the deadline, particularly in preparation for the upcoming Palarong Pambansa,” aniya.
Binigyang-diin ni Garcia ang mga posibleng hamon na haharapin ng mga contractors sa kanilang mga licenses sakaling hindi nila matapos ang trabaho sa takdang oras.
Bumisita si Garcia sa track oval matapos ang kanyang pag-upo noong ika-13 ng Mayo at natuklasan ang ilang mga trabaho na nangangailangan ng pansin ng pamahalaang lungsod.
Kabilang sa mga major na trabaho na natagalan ay ang pagrurubberize ng track oval. Ipinaliwanag ng contractors ang pagkaantala at pangako na tapusin ito sa oras.
Binanggit niya ang paliwanag ng contractors na ang pag-install ng rubber sa walong-linya ng 400-metro na racetrack oval ay dapat gawin sa huli upang hindi ito masira ng mabibigat na kagamitan na ginagamit upang ayusin ang iba pang bahagi ng sports center.
Sinabi ni Garcia na siya rin ay nakikipagtagpo sa iba pang mga taong kasama sa preparasyon para sa Palaro na gaganapin mula Hulyo 6 hanggang 17.
Sa pamamagitan ng pagtutok sa tamang pagpapatupad ng mga proyekto at pagpapakita ng determinasyon sa integridad sa pamamahala, nagtataguyod tayo ng isang bansa na may matibay na pundasyon para sa pag-unlad at kaayusan sa Bagong Pilipinas.
Source: PNA