Wednesday, November 27, 2024

HomeNewsPaghahanap kay Quiboloy, pinaigting ng PNP

Paghahanap kay Quiboloy, pinaigting ng PNP

Sinabi ni Philippine National Police Chief General Rommel Francisco Marbil nitong Martes na ginagawa nila ang kanilang makakaya upang arestuhin ang pugante na pastor na si Apollo Quiboloy.

Sa kanyang pakikipag-usap sa mga mamamahayag sa kanyang maikling pagbisita sa Police Regional Office 8 Headquarters sa Palo, Leyte, sinabi ni Marbil na tinutulungan nila ang National Bureau of Investigation (NBI), ang nangungunang ahensya sa paghahanap ng lokasyon ni Quiboloy.

“Mayroon kaming estratehiya para mahanap siya. Malapit na kami at very diplomatic kami dito,” aniya, balewala ang pahayag ni Senador Risa Hontiveros na mabagal ang pagpapatupad ng mga Warrant of Arrest laban kay Quiboloy ng pulisya.

Si Quiboloy ay nahaharap sa mga kasong Qualified Human Trafficking at child sexual abuse.

Ang PRO 8 ang kauna-unahang PNP Regional Headquarters na binisita ni Marbil mula nang italaga siya bilang Chief PNP noong Abril 1, 2024.

Si Marbil ay naging PRO 8 Regional Director mula 2022 hanggang 2023, kung saan sinimulan niya ang deployment ng mga pulis sa Maharlika Highway ng rehiyon upang maiwasan ang mga krimen.

“Talagang tinulungan ako ng tropa namin dito para maging isa sa pinakamagaling”, dagdag pa niya.

Sa kanyang pagbisita, pinangunahan ni Marbil ang inagurasyon ng ilang mga istraktura sa loob ng compound ng Regional Office, na sinimulan noong siya ay nanunungkulan bilang Regional Chief dito.

Ang Pambansang Pulisya ay patuloy sa pagtugis sa lahat ng mga nagkasala sa batas upang matiyak ang kaligtasan ng mamamayan, mapanatili ang tahimik, at mapayapang Bagong Pilipinas.

Panulat ni Dim

Source: PNA

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe