Saturday, November 23, 2024

HomeNewsPaggamit ng Sigarilyo at Vape ng mga Estudyante, ikinabahala ng Anti-Smoking Task...

Paggamit ng Sigarilyo at Vape ng mga Estudyante, ikinabahala ng Anti-Smoking Task force sa Iloilo

Ipinahayag ng Iloilo City Anti-Smoking Task Force (ICAST) ang kanilang pagkabahala sa lumalalang paggamit ng sigarilyo, kabilang na ang vape sa mga estudyante.

Nananawagan sila sa mga administrador ng paaralan na madaliin ang pagbabago ng mga polisiya bago magsimula ang klase.

Sinabi ni ICAST Executive Director Iñigo Garingalao sa isang panayam sa kaniya na kinakailangan ng tamang regulasyon dahil isa itong usaping pangkalusugan ng publiko.

Ang mga estudyante ay madaling maimpluwensiyahan ng maling pag-aanunsyo ng industriya ng e-cigarette, na kadalasang ipinapakita ang Vaping ay mas ligtas na alternatibo sa tradisyunal na sigarilyo.

“Last year, many institutions were caught off guard because their policies did not explicitly prohibit vaping. As a result, apprehended students could argue that they weren’t breaking any rules,” ayon kay Garingalao.

“Vaping is another form of taking in the addictive nicotine, which is also present in cigarettes. When left unattended, and the age of smokers gets lower and their numbers increasing, Iloilo will be assured of a generation that is addicted to nicotine,” dagdag pa niya.

Diumano ang mga inisyatiba laban sa paninigarilyo ay kabilang sa mga pinakamahirap ipatupad dahil sa kanilang malawak na epekto sa lipunan, kabilang na sa ekonomiya, sosyograpiko, at sikolohikal, kaya’t nangangailangan ito ng isang multi-sectoral na pamamaraan.

Kasama ang City Health Office sa patuloy na kampanya ng Department of Health, na may layuning turuan ang komunidad sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga lectures at best practices.

Naniniwala ang Iloilo City Anti-Smoking Task Force na kinakailangan ng mapigilan ang paglala na ito ng paninigarilyo at vaping sa komunidad lalo na sa mga estudyante dahil nagsisimula ang heavy smoking sa tila walang-pinsalang pag eeksperimento ng mga menor de edad.

Source: Philippine News Agency

Panulat ni Justine 

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe