Iloilo- Higit-kumulang 25,000 magsasaka mula sa lalawigan ng Iloilo ang makikinabang sa bagong proyektong irigasyon, ang Jalaur River Multipurpose Project Stage II (JRMP II) na pormal na binuksan sa isinagawang inagurasyon na pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Brgy. Agcalaga Calinog, Iloilo noong ika-16 ng Hulyo 2024.
Ang nasabing proyekto ay itinuturing na pinakamalaking water reservoir project na naipatayo sa labas ng Luzon sa loob ng mahigit 40 taon.
Ayon kay PBBM, inaasahang mapapataas ng proyekto ang produksyon ng bigas ng rehiyon ng hanggang 160,000 metriko tonelada kada taon.
Bukod dito, makakapagbigay din ang proyekto ng 6.6 megawatts ng hydroelectric power, na makakatulong sa pangangailangan ng kuryente ng lugar.
Ang JRMP II ay inaasahang magbibigay ng mas maayos at sapat na suplay ng tubig para sa irigasyon ng mga sakahan sa Iloilo na magpapabuti sa ani ng mga magsasaka at makakabawas sa kanilang mga suliranin sa panahon ng tagtuyot.
Patuloy ang Pangulo sa paglulunsad ng mga proyekto na magpapaunlad ng agrikultura at ekonomiya ng rehiyon.