Hinihimok ang publiko na magsagawa ng pag-iingat dahil maaaring magkaroon ng landslide sa gitna ng walang tigil na pag-ulan sa Visayas, partikular sa Cebu sa loob ng linggong ito.
Sa pahayag ng Weather Services Chief ng Visayas, Alfredo Quiblat Jr., ang mahina hanggang katamtamang pag-ulan na kasalukuyang nakakaapekto sa Cebu Island ay dahil sa labangan ng low pressure area (LPA) na huling namataan sa layong 285 kilometro silangan timog-silangan ng Davao City bilang ng 3 p.m. Lunes, Enero 23, 2023.
Ayon pa kay Quiblat, maliit ang posibilidad na maging bagyo ang LPA ngunit maaaring makaranas ng paminsan-minsang malakas na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog sa Martes, Enero 24.
“We must watch out for landslides because the soil will become soft when it is raining,” saad nito.
Binigyang-diin niya na mas maliit ang posibilidad na mangyari ang pagbaha sa prone areas dahil mangyayari lamang ito kung magpapatuloy ang malakas na pag-ulan.