Thursday, January 23, 2025

HomeNewsPader ng gusali sa Mandaue, gumuho

Pader ng gusali sa Mandaue, gumuho

Malakas na ulan ang posibleng dahilan ng pagguho ng gusali ng warehouse sa V. Albaño Street, Sitio Sugar Valley, Barangay Maguikay, Mandaue City noong Miyerkules ng umaga, Hunyo 22, 2022.

Ito ay ayon kay Florante De Lima Jr., Deputy Emergency Volunteer ng Bureau of Fire Protection, na naniniwala siya na dahil sa malakas na pag-ulan, gumuho ang isa sa mga pader ng gusali na kasalukuyang ginagawa pa.

Walang nasaktan sa insidente habang nagmamadaling umalis ang mga construction worker sa lugar nang mapansin nilang umuuga ang gusali at malapit nang gumuho alas-10:15 ng umaga nitong Miyerkules.

Ang isa sa mga residente ng Sugar Valley Subdivision ay agad na nagsumbong sa Bureau of Fire and Protection (BFP), na tumawag naman sa City Disaster Risk Reduction Management Office para sa karagdagan pang tulong.

Ayon kay Gelyn Barino, isang barangay health worker, nagsimula ang pagtatayo ng gusali noong Disyembre bago ang Bagyong Odette.

Nakaligtas sa kapahamakan ang mga construction worker, dahil karamihan sa kanila ay huminto sa pagtatrabaho habang sila ay sumilong dahil sa malakas na pag-ulan, sabi ni Barino.

Saad din ni De Lima na nang suriin nila ang gumuhong gusali, nalaman nilang ang mga fillet o bar nito na ginagamit sa pagpapatibay ng mga sementadong pader ay maliit o mas mababa sa karaniwang sukat.

Umaasa si De Lima na makakahanap ng solusyon ang pamunuan upang matugunan ang problema at maiwasan ang mga katulad na insidente na mangyari sa hinaharap.

Ang daanan ng mga residenteng nakatira malapit sa lugar ay naharangan din ng mga nahuhulog na debris at kailangang linisin ng pamunuan.

“Maghuwat ra mi sa management kung unsa ila plano ani nga maaksiyonan ni pero for the meantime, nagbutang na mi ug crossing tape nga danger zone area anang dapita para maiwasan ang aksidente (Hihintayin na lang namin ang management tungkol sa plano nilang aksyunan ito, but for the meantime, naglagay na kami ng mga crossing tape, na nagpapahiwatig na danger zone ang lugar para maiwasan ang aksidente.),” saad ni De Lima.

Source | https://www.sunstar.com.ph/article/1932731/cebu/local-news/buildings-wall-collapses-in-mandaue

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe