Tuesday, December 24, 2024

HomePoliticsGovernment UpdatesPaaralan, ipapatayo sa mga liblib na baryo ng Samar para ihinto ang...

Paaralan, ipapatayo sa mga liblib na baryo ng Samar para ihinto ang recruitment ng NPA

Ang local government unit ng Matuguinao, Samar ay magbubukas ng mas maraming paaralan sa malalayong komunidad para tumulong sa pagtigil sa recruitment activities ng New People’s Army (NPA).

Para sa elementarya ang itatayo sa mga nayon ng Bag-otan at Camonoan ngayong taon, sabi ni Mayor Aran Boller sa isang panayam nitong Miyerkules, Mayo 18, 2023.

Sa kasalukuyan, ang 300 mag-aaral mula sa dalawang nayong ito ay kailangang maglakad nang ilang oras upang makadalo sa mga klase sa mga kalapit na nayon. Ang mga estudyante sa Camonoan ay pumapasok sa mga klase sa nayon ng San Jose sa bayan ng Gandara habang ang mga mag-aaral mula sa Bag-otan ay naka-enrol sa mga paaralan sa sentro ng bayan.

“Pagkatapos ng ilang dekada ng adhikain na magkaroon ng paaralan sa kanilang nayon, sa wakas ay maisasakatuparan na ito ngayong taon. Naging positibo ang resulta ng isinagawang pagsusuri ng Department of Education (DepEd) regional office. Inaasahan namin na sa Agosto, ang dalawang barangay na ito ay magkakaroon na ng silid-aralan,” aniya.

Ang pagtatayo ng mga silid-aralan ay popondohan ng DepEd habang ang lote ay donasyon ng lokal na pamahalaan.

Layunin din ng lokal na pamahalaan ng Matuguinao ang pagtatatag ng isang primaryang paaralan sa pinakamalayong nayon ng San Roque.

“Nang pumunta ako doon, nalaman ko na may mga residente na halos kasing edad ko ngunit hindi pa nakakapasok sa paaralan, kahit na sa isang daycare,” dagdag ni Boller.

Ang pagpunta sa San Roque ay tumatagal ng isang araw na paglalakad. Ang pinakamadaling paraan ng pagpunta sa nayon ay ang pagdaan sa bayan ng Silvino Lobos sa Northern Samar.

Ang nayon ay idineklarang insurgency free noong 2021, ngunit may mga nakikita pa ring komunistang armadong grupo na tumatawid sa mga boundery ng Northern Samar patungo sa dalawa pang probinsya ng Samar Island.

Ang problema sa walang kaalaman ay nagiging sanhi ng mga bata na madaling ma-recruit ng New People’s Army, sabi ng alkalde.

“Bilang isang lider, nakaka-depress na malaman na nangyayari ito sa mga kabataan. Kaya naman hindi kataka-taka na madali silang ma-recruit ng komunistang grupo dahil hindi man lang sila marunong magbasa o magsulat. Hindi nila matukoy ang mga titik o numero. So, we really need to provide and give directions sa mga kabataan,” dagdag ni Boller.

Pagkatapos ng kanyang pagbisita, agad siyang nagsulat ng liham sa DepEd upang magtayo ng paaralan sa baryo ng San Roque.

Bukod sa elementarya, ibinunyag ni Boller ang plano ng DepEd na magtatag ng dalawang bagong sekondaryang paaralan, na tutulong sa mga mag-aaral sa high school na naninirahan sa malalayong nayon ng bayan.

Sa kasalukuyan ang bayan ay mayroon lamang isang sekondaryang paaralan, ang Matuguinao National High School na matatagpuan sa town proper.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe