Wednesday, December 25, 2024

HomeNewsP94M na cash aid, inihandog ng Pamahalaang Panlalawigan sa 10 LGU’s ng...

P94M na cash aid, inihandog ng Pamahalaang Panlalawigan sa 10 LGU’s ng 5th District ng Cebu

Aabot sa P94 milyong halaga ng cash aid ang ibinigay ng Cebu Provincial Government sa 10 Local Government Units (LGUs) sa ilalim ng 5th District ng Cebu.

Pinangunahan ni Gov. Gwendolyn Garcia ang pamamahagi ng cash aid sa dalawang araw na Provincial Caravan of Government Services na ginanap sa Fifth District ng Cebu mula Huwebes, Marso 2 hanggang Marso 3, 2023.

Noong Huwebes, Marso 2, iginawad nina Garcia at Deputy Speaker Vincent Franco “Duke” Frasco (Cebu, Fifth), ang mga tseke sa mga benepisyaryong LGU na kinatawan nina Mayor Aljew Frasco ng Liloan, Mayor Felijur Quiño ng Compostela, Mayor Carlo Villamor ng Carmen, Mayor Avis Monleon ng Catmon, Mayor Lissa Marie “Moonyeen” Durano-Streegan ng Sogod at Mayor Noel Dotillos ng Borbon.

Noong Biyernes, iniabot naman ni Garcia ang mga tseke para sa mga alkalde ng apat na bayan sa Camotes Islands.

Ang mga bayan ng San Francisco, Poro, at Tudela ay nakatanggap ng mga tseke na may kabuuang halaga na P13 milyon mula kay Garcia, habang ang bayan ng Pilar ay nakakuha ng P9 milyon.

Ito ay magpopondo sa iba’t ibang proyekto ng mga alkalde, bise alkalde, municipal councilors, at Association of Barangay Councils sa bawat bayan.

Nakatanggap ng mga tseke ang mga opisyal ng apat na isla na bayan sa pangunguna ni San Francisco Mayor Alfredo Arquillano Jr., Poro Mayor Garry Rama, Tudela Mayor Greman Solante at Pilar Mayor Manuel Santiago.

Bukod sa cash aid, dinala rin ni Garcia ang caravan of services sa mainland at island towns ng naturang distrito.

Ang mga lokal na punong ehekutibo ay nagpahayag ng kanilang pasasalamat sa patuloy na suporta ng Lalawigan para sa kanilang mga bayan sa pamamagitan ng tulong pinansyal at iba pang serbisyo.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe