Sunday, July 7, 2024

HomeNational NewsP680-K halaga ng droga nasabat sa Cebu City

P680-K halaga ng droga nasabat sa Cebu City

Kumpiskado ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) 7 ang tinatayang nasa P680, 000.00 halaga ng shabu sa suspek na naaresto sa buy-bust operation na inilunsad sa Barangay Tejero, Cebu City noong Huwebes, Oktubre 19, 2022.

Kinilala ng mga awtoridad ang naaresto na si Marco Antonio Gungog, 44, isang masyador, residente ng Umapad, Mandaue City, Cebu.

Kabilang sa mga nakuha kay Gungog ang dalawang pakete ng shabu na may bigat na 100 gramo at may estimated market value na P680,000, buy-bust money, isang cellular phone, at isang motorcycle.

Mahaharap si Gungog sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
156SubscribersSubscribe