Saturday, November 23, 2024

HomeNewsP457M halaga na mga road concreting projects sa Cebu, inaprubahan

P457M halaga na mga road concreting projects sa Cebu, inaprubahan

Inaprubahan ng Cebu Provincial Board ang P457 milyong halaga ng road concreting projects sa iba’t ibang bayan sa regular na sesyon nito noong Lunes, Abril 3, 2023.

Nagpasa ng resolusyon si Board Member Andrei Duterte ng ikalimang distrito na nagpapahintulot kay Gov. Gwendolyn Garcia na pumirma ng kontrata sa iba’t ibang contractor na nanalo sa competitive public bidding.

Ang P127.4 milyong Daanlungsod-Cabangahan road section (Phase 2) sa Tuburan, ang pinakamalaki sa mga road concreting projects, ay iginawad sa RCV Villamor Construction at JV Gonzalodo Enterprise na mayroon target na petsa ng pagkumpleto na 316 araw.

Ang iba pang road concreting projects na napanalunan ng JV Gonzalodo Enterprise ay sa Sitio Caluboan, Barangay Cabalawan, Sogod na nagkakahalaga ng P16.3 milyon; Ilihan-Can-anan road section sa Tabogon (P17.8 million); Bingay-Nipa road section (Phase 2) sa Borbon (P94.1 milyon); Sitio Tambacong, Barangay Calmante, Secante Daan Proper sa Tudela (P18.9 milyon); at Teguis, San Francisco (P16.2 milyon) sa Camotes Islands.

Nakakuha rin ang Rovilla Construction ng mga road rehabilitation projects na nagkakahalaga ng P112.7 milyon.

Kabilang sa mga proyektong ito ang Tapilon-Lanao diversion road section sa Daanbantayan (P56 milyon); at Libertad Odlot Phase 1 road section (P17.1 milyon), Libertad Odlot Phase 2 road section (P23 milyon) at Ban-Ban Road section (P16.6 milyon), lahat sa Bogo City.

Nanalo ang Quirante Construction Corp. sa bid para sa P14.5 milyong Poblacion-Cogon-Lawaan Road section sa Dumanjug, habang ang Socor Construction Corp. ang nanalo sa bid para sa P16.1 milyong proyekto sa Argao at Dalaguete.

Ang iba pang road concreting projects para sa taong ito ay nagkakahalaga ng P999,000 at P8 milyon.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe