Thursday, December 26, 2024

HomeNewsP300K pabuya sa makapagtuturo sa suspek sa pagpatay ng isang Barangay Tanod...

P300K pabuya sa makapagtuturo sa suspek sa pagpatay ng isang Barangay Tanod sa Tabango Leyte

Ang Provincial Government ng Leyte ay magbibgay ng Php300,000 na pabuya sa kung sino man ang makapagtuturo or makapagbibigay ng mahalagang impormasyon sa naganap na pamamaril sa isang Barangay Tanod noong Oktubre 14, 2023 sa Brgy Tabing, Tabango, Leyte.

Ang Leyte Police Provincial Office at ang Tabango Municipal Police Station ay patuloy ang isinasagawang imbestigasyun sa insidente. Naghahanap din ang ating kapulisan ng impormasyon na makakatulong sa paghahanap kung sino man ang responsable sa malalang krimen na ito. Kung sakaling mayroon kang impormasyon o tip na maaaring makatulong sa imbestigasyon, ang Leyte Provincial Local Government Unit po ay handang magbigay ng pabuya.

Ang iyong pagkakakilanlan ay pangangalagaan ng aming tanggapan at hindi ito ipapahayag sa publiko o kahit kaninong indibidwal. Kung mayroon kang alam o nakasaksi ka sa nasabing insidente, maari mong ibahagi sa amin ang impormasyon na ito sa pamamagitan numerong 09985986479 o sa aming email address na [email protected]. Maari ring makipagugnayan sa Tabango Municipal Police Station sa numerong 09988479629.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe