Nasakote ng mga awtoridad ang halos Php3.5 milyong halaga ng shabu sa Cortes, Bohol, matapos ang matagumpay na buy-bust operation ng Bohol PNP noong Oktubre 21, 2024.
Ang suspek, na kilala bilang si “Dodong”, 39-anyos at residente ng Purok-2, Brgy. Upper De Lapaz, Cortes, Bohol.
Sa operasyon, nakumpiska ang walong pakete ng hinihinalang shabu na may timbang na 6,800 gramo at standard drug price na Php3,400,000.00, kasama ang iba pang mga gamit tulad ng buy-bust money, keypad na cellphone, digital na timbangan, itim na sling bag, at Mio Yamaha na motorsiklo.
Ang suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Cortes Municipal Police Station at mahaharap ito sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang matagumpay na operasyon ay bunga ng pinagsanib-pwersa ng Provincial Drug Enforcement Unit, BPPO, Cortes MPS, PDEGSOU7, RUI7 PIT-Bohol, at PDEA-Bohol.
Ang Bohol PNP ay patuloy sa pagpapaigting ng kanilang kampanya na labanan ang mga sindikato ng droga at anumang uri ng kriminalidad.