Monday, January 13, 2025

HomeNewsP12.8 milyong halaga ng solar-powered water system, itatayo sa isang isla sa...

P12.8 milyong halaga ng solar-powered water system, itatayo sa isang isla sa Concepcion, Iloilo

Tinatayang nasa 12.845 milyong halaga ng solar-powered desalination water system ang itatayo sa isang isla sa bayan ng Concepcion, Iloilo, upang makapagbigay ng malinis na inuming tubig sa 213 pamilya.

Ang naturang proyekto ay may pondo mula sa Philippine Rural Development Project katuwang ang Department of Agriculture at ang provincial government ng Iloilo.

Ginanap ang groundbreaking ceremony ng nasabing proyekto nito lamang nakaraang Huwebes sa Sitio Danao-Danao sa island barangay ng Polopiña ng nasabing bayan, na pinangunahan mismo ni Iloilo Governor Arthur Defensor Jr.

Ayon kay Gov. Defensor, tinatayang nasa 1,000 populasyon sa isla ang walang permanenteng mapagkukunan ng inuming tubig.

Inaasahan naman ang proyekto na makakapagbigay ng nasa 11,000 litrong tubig kada araw na manggagaling sa tubig alat.

Samantala, ayon naman sa lokal na pamahalaan na balak nilang tapusin ang proyekto sa loob lamang ng anim na buwan. Ang parehong proyekto ay nauna ng isinagawa sa mga bansa ng Singapore, Israel, at iba pang Middle Eastern countries.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe