Mahigit P100 milyong halaga ng ilegal na droga ang nasabat ng mga tauhan ng Police Regional Office sa Central Visayas (PRO 7) sa loob ng isang buwan.
Mula Marso 20, 2023 hanggang Abril 20, nakumpiska nila ang 15.774.49 kilo ng shabu na may karaniwang presyo na P107,266,532 at 17.163 kilo ng marijuana na nagkakahalaga ng P2,059,646.40.
Naaresto rin ng pulisya ang 767 drug suspects sa panahong ito.
Ang kanilang patuloy na kampanya laban sa iligal na sugal ay nagresulta sa pagkakaaresto sa 1,467 suspek at pagkakakumpiska ng P174,820 na pera.
Nasamsam naman ang 399 na loose firearms at 17 na pampasabog bilang bahagi ng Oplan Katok, at nadakip ang 108 suspek.
Naaresto rin ang 110 katao na may nakabinbing warrant of arrest.