Monday, December 16, 2024

HomePoliticsSectoral NewsOrganic Vegetable Garden inilunsad sa bayan ng Libacao, Aklan

Organic Vegetable Garden inilunsad sa bayan ng Libacao, Aklan

Libacao, Aklan- Tagumpay na inilunsad ng mga kapulisan ang Organic Vegetable Garden para sa Akeanon Bukidnon IP Community sa bayan ng Libacao sa Aklan nitong ika- 6 ng Setyembre 2022.

Pinangunahan ng 1st Aklan Provincial Mobile Force Company ang paglunsad ng nabanggit na programa sa Brgy. Rosal ng nasabing lungsod.

Katuwang ng 1st Aklan PMFC ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at mga pribadong departamento na tumulong upang maisakatuparan ang programa.

Ang aktibidad ay bahagi ng proyektong KAISANG-BISIG mula sa pakikipagtulungan ng TESDA Aklan, ROTARACT Club of Kalibo, Office of the Provincial Agriculture, at LGU Libacao.

Dinaluhan naman ito ng mga miyembro ng Akeanon Bukidnon Indigenous People kasama ang TESDA sa ilalim ng pamumuno ng iilang mga tauhan na siyang nanguna sa pagsasanay na patuloy pang isinasagawa.

Sa ngayon ay nakatuon ang 1st Aklan PMFC at TESDA sa pagbibigay ng logistical at marketing support upang maiangat ang mga magsasaka sa mataas na antas kaugnay sa layunin nito na tulungang ang naturang komunidad upang maging isang malawakang producer ng mga gulay at magsu-suplay sa ibang bayan sa Aklan.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe