Saturday, November 16, 2024

HomeNewsOpisina ng DTI-Leyte, ninakawan

Opisina ng DTI-Leyte, ninakawan

Ang opisina ng Department of Trade and Industry (DTI) Leyte Provincial Office na matatagpuan sa Barangay 60 Aslum, Sagkahan, Tacloban City, umano ay pinasok ng isang magnanakaw bandang alas 9:15 ng gabi noong Mayo 24, 2024.

Ayon sa impormasyong nakuha mula sa pulisya, isang nagngangalang alyas “Rom”, 35 taong gulang, driver ng nasabing ahensya, ang nag-ulat ng pagkawala ng ilang kagamitan at pera mula sa kanilang opisina.

Batay sa CCTV footage, isang lalaki ang pumasok sa opisina sa pamamagitan ng pagbasag ng bintana at kinuha ang dalawang laptop at pera na nagkakahalaga ng Php3,000.

Ang suspek ay natukoy na walang suot na damit pang-itaas habang ginagawa ang krimen, may tattoo sa likod ng katawan, at nakasuot ng itim na pantalon.

Kasalukuyang nagsasagawa ng follow-up investigation ang pulisya upang mahuli ang suspek.

Tinitiyak ng Pambansang Pulisya na mahuhuli ang mga nagkasala at patuloy na nagkakasala sa batas.

Panulat ni Rims

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe