Monday, May 19, 2025

HomeNewsOperasyon kontra droga sa Cebu, nauwi sa pagkabuwag ng isang drug den

Operasyon kontra droga sa Cebu, nauwi sa pagkabuwag ng isang drug den

Nabuwag ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 7, katuwang ang PNP Regional Intelligence Unit 7, ang isang hinihinalang drug den sa Sitio Sto. Niño Kintanar, Barangay Cogon Pardo, Cebu City, dakong 2:55 ng hapon nitong Biyernes, Mayo 16, 2025.

Sa isinagawang buy-bust operation, apat na katao ang naaresto, kabilang ang umano’y tagapamahala ng drug den na kinilalang si alyas Gilbert, 37-anyos, residente ng Barangay Inayawan, Cebu City. Ayon kay PDEA-7 Acting Regional Director Alex Tablate, si Gilbert ang pangunahing target ng operasyon.

Kasama sa mga naaresto sina alyas Bobby, 44, isang e-bike driver; alyas Jimrex, 39; at alyas Jexter, 30 — kapwa construction painter at residente ng Cogon Pardo. Nahuli ang tatlo habang hinihinalang gumagamit ng shabu sa loob ng drug den.

Nasamsam ng mga awtoridad ang pitong pakete ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng tinatayang 10 gramo at may halagang P68,000, kabilang na ang buy-bust money at iba pang drug paraphernalia.

Ayon kay Leia Alcantara, tagapagsalita ng PDEA-7, isang linggo nilang isinailalim sa case buildup ang lugar matapos makatanggap ng impormasyon mula sa isang confidential informant.

Ang mga nakuhang ebidensiya ay agad na isinumite sa PDEA-7 Regional Office Laboratory para sa chemical analysis at tamang disposisyon.

Ang mga naarestong suspek ay nakatakdang sampahan ng mga kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Source: AYB/Sunstar

RELATED ARTICLES

Leave a Reply

[td_block_social_counter facebook="tinigngkabisayaan" twitter="TinigKabisayaan" youtube="channel/UCC_QNm7kwd7W63yRh3raxoA" instagram="TinigNgKabisayaan" tiktok="@tinigngkabisayaan" manual_count_facebook="278" manual_count_instagram="1" manual_count_tiktok="54" custom_title="STAY CONNECTED" header_color="#dd9933"]