Wednesday, January 15, 2025

HomePoliticsFormer Rebel NewsNPA Squad leader bumiyahe pa sa Cebu mula sa Negros para sumuko

NPA Squad leader bumiyahe pa sa Cebu mula sa Negros para sumuko

Isang 30-anyos na miyembro ng New People’s Army (NPA) na nag-ooperate sa Negros Occidental ang sumuko sa mga awtoridad sa Cebu nitong Lunes, Hunyo 20, 2022.

Ang sumuko ay kinilala bilang isang intelligence officer at pinuno ng isang Squad ng NPA. Siya ang unang miyembro ng NPA na sumuko sa lalawigan ng Cebu ngayong taon.

Ayon sa mga awtoridad, sumuko ang rebeldeng NPA dakong alas-5:20 ng hapon nitong Lunes sa Dumanjug, Cebu, sa tulong ng kanyang pamilya.

“Nakatanggap kami ng impormasyon na may magsu-surrender [sa atin] sa aming patrol base sa Moalboal. After that, pinuntahan ng tropa natin sa Dumanjug at positive na may nag-surrender na NPA na active member ng NPA sa Negros Occidental,” ayon kay Police Lieutenant Colonel Barraquio sa isang panayam nitong Martes, Hunyo 21.

Dagdag pa ni Barraquio na ang sumuko ay may mga kamag-anak sa Dumanjug, Cebu na kumumbinsi sa kanya na sumuko para sa kanyang sariling kapakanan.

Pinili nitong sumuko sa Cebu dahil magagarantiyahan ng kanyang pamilya ang kanyang kaligtasan, idinagdag pa na iniwan nito ang kanyang mga baril sa Negros Occidental.

“Alam naman natin na gusto nilang magsurrender sa peaceful na lugar kaya pumunta sila sa Cebu,” saad pa ni Barraquio.

“Makikita naman sa mukha ng tao ma’am. Talagang willing siya magsurrender,” dagdag pa ni Barraquio.

Nasa kustodiya na ngayon ang sumukong NPA sa 2nd Maneuver Platoon ng Provincial Mobile Force Company-Cebu Provincial Police Office na nakabase sa Moalboal, Cebu.

Samantala, tiniyak naman ng mga awtoridad na matutulungan ng gobyerno ang sumukong rebelde na mabibigyan ng tulong pinansyal at kabuhayan.

Source | https://www.sunstar.com.ph/article/1932628/cebu/local-news/npa-squad-leader-travels-to-cebu-from-negros-to-surrender

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe