Thursday, November 21, 2024

HomePoliticsFormer Rebel NewsNPA sa Negros Oriental, sumuko sa pamahalaan

NPA sa Negros Oriental, sumuko sa pamahalaan

Kusang sumuko sa pamahalaan ang isang kasapi ng New People’s Army ng Yunit Militia na miyembro ng CN2, Komiteng Rehiyon-Negros, Cebu, Bohol, Siquijor (KR-NCBS) nitong Oktubre 18, 2024 sa Sitio Maraha, Barangay Lamogong, Manjuyod, Negros Oriental.

Ito ay kinilalang si alyas Osil, 31 anyos at residente ng Barangay Lamogong, Manjuyod Negros Oriental.

Ang pagsuko nito ay pinangunahan ng 704th Maneuver Company, Regional Mobile Force Company, PRO 7.

Isinuko din ni alyas Osil ang kanyang armas na isang unit ng 357 revolver, tatlong bala at inside holster.

Ito ay isang tagumpay para sa mga programa ng gobyerno sa pagwawakas ng insurhensiya at terorismo, at nagpapakita ng pagkakamit ng payapa at maunlad na bagong Pilipinas.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe