Wednesday, December 25, 2024

HomeRebel NewsNPA patay Sa Northern Samar

NPA patay Sa Northern Samar

Patay ang isang miyembro ng NPA sa engkwentro laban sa mga kasundaluhan ng 19th Infantry Battalion sa kabundukan ng Brgy Senonogan de Tubang, Silvino Lubos, Northern Samar nitong Martes, ika-20 ng Setyembre ganap na ala-una y medya ng hapon.

Tumagal ang engkwentro ng 20 minuto kung saan isang bangkay ng babae, isang M16 rifle, pampasabog, mahahalagang dokumento, cellphone, mga notebooks ang basta na lang iniwan ng mga bandidong grupo.

Ayon kay Lieutenant Colonel Fernando C. Engcot, kumander ng 19IB, nakatanggap sila ng plano ng mga terorista na irekober ang kanilang mga na-organisang masa at parusahan ang mga ito dahil sa pagtatakwil ng terorismo at pakikipagtulungan sa gobyerno. Nakumpirma ang plano ng matunugan ng mga residente na umaaligid ang armadong terorista sa paligid ng nasabing barangay at isinumbong ito sa mga awtoridad.

Agad namang rumesponde ang 19IB upang ipagtanggol ang mamamayan ng nasabing barangay mula sa mga armadong grupo.

Habang nagpapatrolya ang tropa ng gobyerno ay pinaputukan ito ng mga NPA dahilan upang magkaroon ng engkwentro.Wala namang naiulat na nasugatan sa panig ng pamahalaan.

Ang bangkay ay inilipad sakay ang Blackhawk Helicopter at inasikaso upang mabigyan ng desinteng libing.

Ayon kay Col Perfecto Peñaredondo, Army Brigade Commander, ang nakuhang mga dokumento, records at gadgets ay makakatulong upang makilala kung sino pa ang posibleng kasabwat at ano pa ang mga plano ng mga terorista sa hinaharap.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe