Saturday, October 5, 2024

HomeRebel NewsNPA patay sa naganap na sagupaan sa Guihulngan Ciy, Negros Oriental

NPA patay sa naganap na sagupaan sa Guihulngan Ciy, Negros Oriental

Humantong sa pagkakapaslang sa isang miyembro ng New People’s Army ang naganap na sagupaan sa pagitan ng militar at ng teroristang grupo sa Sitio Manlibod, Brgy Trinidad, Guihulngan City, Negros Oriental nitong Setyembre 7, 2022.

Sa ulat na inilabas ng 62nd IB, nangyari ang naturang insidente matapos tugunan ng grupo ang isang ulat na kanilang natanggap patungkol sa presensya at pangingikil ng mga miyembro ng CNTs sa lugar.

Nagtagal ang sagupaan ng magkabilang panig sa loob ng limang minuto na nauwi sa pagkasawi ni Greg Cantilla alyas “Jordan” na miyembro ng Sentro De Grabidad Platoon, CN1.

Nakumpiska sa naturang insidente ang isang caliber .45 pistol, isang hand grenade, magazine, live ammunitions, binocular at iba pa.

Kinumpirma naman ng mga awtoridad na ang grupo na kanilang nasagupa ay ang grupo rin na kanilang naka-engkwentro noong ika-16 at 17 ng Agosto sa Sitio Cambairan, Brgy Trinidad, Guihulngan City, Negros Oriental.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
156SubscribersSubscribe