Patay ang isang miyembro ng Sub-Regional Committee (SRC) Emporium ng Eastern Visayas Regional Party Committee (EVRPC) ng New People’s Army (NPA) sa naganap na sagupaan sa pagitan ng rebeldeng grupo at militar sa liblib na bahagi ng Barangay Gusaran, Silvino Lobos, Northern Samar kahapon lamang ng umaga, Disyembre 10, 2025.
Ayon sa mga awtoridqd, inilunsad ang operasyon matapos ang sunod-sunod na ulat ng mga residente tungkol sa presensya ng armadong grupo na umano’y nagsasagawa ng extortion activities at pinipilit ang mga magsasaka na magbigay ng bahagi ng kanilang ani.
Dahil sa mga naturang pagbabanta, nagdulot ito ng ng tiyak na pangamba at nakaapekto sa kabuhayan ng mga residenteng umaasa lamang sa pagsasaka.
Sa ginawang beripikasyon ng mga kasundaluhan sa kampo ng rebelde, agad na nagkaroon ng palitan ng putok na tumagal nang humigit-kumulang 15 minuto.
Napatay sa engkwentro ang isang NPA habang nakarekober naman ang tropa ng pamahalaan ng ilang armas at iba pang kagamitan ng mga pinaniniwalaang gamit sa kanilang ilegal na aktibidad.
Patuloy na nagsasagawa ng clearing operations ang militar upang matiyak ang seguridad at katahimikan sa lugar, lalo na para sa mga magsasakang matagal nang naaapektuhan ng presensya ng mga rebelde. |via Infinite News Team (Photo: 8ID)
