Sunday, June 30, 2024

HomeRebel NewsNPA member, patay sa sagupaan sa Northern Samar; isang sundalo, nag-alay ng...

NPA member, patay sa sagupaan sa Northern Samar; isang sundalo, nag-alay ng buhay

Isang miyembro ng New People’s Army ang napatay habang isang sundalo naman ang nag-alay ng kaniyang buhay sa isang enkwentro ng militar nitong Lunes, Marso 20, 2023 sa Barangay Geparayan De Turag, Silvino Lobos, Northern Samar.

Nadiskubre ng tropa mula sa 4th Scout Ranger “Masigasig” Battalion (4SRBn), Philippine Army ang bangkay ng isang hindi pa nakilalang rebelde at isang M16 rifle naman ang nasamsam matapos ang engkwentro laban sa nasa pito (7) miyembro ng CTG na pinaniniwalaang kaanib sa Front Committee 1 (FC1), Sub-Regional Committee (SRC) Emporium, Eastern Visayas Regional Party Committee (EVRPC).

Batay sa impormasyong inilahad ni 803rd Infantry Brigade Commander, Colonel Efren Morados, rumesponde lamang ang tropa ng militar sa isang tip ng isang concerned citizen mula sa Barangay Geparayan de Turag dahil umano sa pangingikil ng grupo sa isang lugar na kalauna’y nagresulta ng 20 minuto na putokan sa pagitan ng militar at rebeldeng grupo.

Samantala, isa na namang batang sundalo sa ngalan ni Pvt Modesto G Lutob, ang nag-alay ng buhay sa naging sagupaan.

“Walang humpay nating hahabulin ang mga rebelde hanggang sa itigil nila ang kanilang mga teroristang gawain laban sa mga tao,” sabi ni Col. Morados.

Kaugnay dito, kinundena naman ito ni 8th Infantry Division Commander, Major General Camilo Z. Ligayo, at nagpahayag ng pakikiramay sa naulilang pamilya.

“Ang kaniyang kabayanihan at katapangan sa pagkilos sa paglilingkod sa mga mamamayan ng Northern Samar upang suportahan ang pagtatamo ng pangmatagalang kapayapaan at kaunlaran ay hindi dapat kalimutan,” sabi ni Maj. Gen. Ligayo.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
156SubscribersSubscribe