Nasawi ang isang NPA member sa engkwentro sa pagitan ng tropa ng 63rd Infantry (Innovator) Battalion ng 8th Infantry (Stormtroopers) Division ng Philippine Army at ng mga natitirang kasapi ng Sub-Regional Committee (SRC) Sesame, Eastern Visayas Regional Party Committee (EVRPC) sa bulubunduking bahagi ng mga bayan ng Llorente at Gen. MacArthur sa Eastern Samar nito lamang November 3, 2025 kasabay ng pananalasa ni Typhoon Tino.
Naganap ang engkwentro kasunod ng patuloy at pinaigting na focused military operations ng militar sa buong rehisyon ng Eastern Visayas.

Kinilala ang nasawing NPA na si Joel Bobonao alias Pen/Jack. Narekober mula sa kanya ang isang cal.45 pistol with ammunition, iba’t ibang magazine ng mga baril, at iba pang mga personal na kagamitan ng nasabing mga Communist NPA Terrorists (CNT).
Agad namang tumakas ang natira pang kasamahan nitong mga rebelde matapos silang ma outmaneuver ng mga tropa ng pamahalaan sa kabila ng masamang panahon.
Pinuri naman ni 8ID Commander Major General Adonis Ariel G. Orio ang katapangan ng mga kasapi ng 8ID troops sa patuloy nilang pagpapatupad ng parehong mga operasyon sa kabila ng pananalasa ng bagyo upang tuluyan ng matuldukan ang terorismo sa buong rehiyon ng Eastern Visayas.
Aniya, “Even as our troops face harsh weather and hazardous terrain, their dedication to protect our people and sustain peace in Eastern Visayas remain unwavering. This encounter manifests a reality that the remnants of the CPP-NPA in the region are continuously losing ssupport from the communities,” Maj. Gen. Orio stated.
Tiniyak naman ng militar na nananatili silang nakaheightened alert sa pagpapatupad ng internal security operations maging sa paghahatid ng Humanitarian Assistance and Disaster Response (HADR) matapos manalasa si Bagyong Tino sa rehiyon.
Samantala, nanawagan naman ang mga awtoridad sa mga natira pang kasapi ng mga Communist-Terrorist Groups (CTG) na magbalik-loob na sa pamahalaan at tuluyan ng iwaksi ang maling ideolohiya sa halip sumailalim sa programa ng pamahalaan na Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) at magsimulang mamuhay ng payapa kasama ang kanilang mga pamilya at mahal sa buhay.