Thursday, December 26, 2024

HomePoliticsFormer Rebel NewsNPA member na namatay sa engkwentro sa Santa Catalina, Neg Or; kinilala...

NPA member na namatay sa engkwentro sa Santa Catalina, Neg Or; kinilala na

Sta. Catalina, Negros Oriental — Patay ang isang umano’y miyembro ng New People’s Army (NPA) sa ‘engkwentro’ ng tropa ng gobyerno sa Sitio Tamusi, Barangay Talalak sa Santa Catalina, Negros Oriental noong Biyernes, Hulyo 1, 2022.

Sa ulat na inilabas ng 11th Infantry (Lapu-Lapu) Battalion, ang namatay na NPA ay kinilalang si Cristanto “Locsin” Lagradilla, na umano’y miyembro ng Squad 2 Southeast Front (SEF) (D), Komiteng Rehiyon- Negros, Bohol, Cebu, at Siquijor (KR-NCBS).

Si Lagradilla kasama ang apat pa nitong kasamahan ay nakipagpalitan ng putok sa pagitan ng pwersa ng pamahalaan na tumagal sa halos walong minuto. Agad namang tumakas ang mga kasamahan nito matapos mapansing nalagasan na sila ng isa.

Sa isang pahayag na inilabas noong Biyernes ng gabi, sinabi ni Police Brigadier General Roque Eduardo Vega, Direktor ng Police Regional Office 7 (PRO-7) na hindi bababa sa limang miyembro ng Communist Terrorist Group ang nakipagpalitan ng putok sa mga tropa ng gobyerno na nagsasagawa ng combat operation sa lugar.

“Nagsagawa ng operasyon ang tropa ng SP/11IB, 32MICO, Provincial Intelligence Unit, Santa Catalina Municipal Police Station, Negros Oriental Police Provincial Office, at 705th Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 7 sa Sitio Tamusi, Barangay Talak, Sta. Catalina, Negros Oriental, bandang 7:00 AM at nagkaroon ng armed encounter,” sabi ni Vega sa isang pahayag.

Samantala narekober ng tropa ng gobyerno ang isang KG-9 rifle, isang KG-9 magazine na may 20 live ammo, isang magazine para sa M-16 rifle na may walong (8) live ammunition, at isang magazine para sa Cal. 45 pistol na may tatlong (3) live ammunition, isang bandolier, dalawang unit ng Baofeng radios, isang backpack, at mga subversive documents.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe