Saturday, November 23, 2024

HomeRebel NewsNPA member na isang HVI arestado sa Roxas City, Capiz

NPA member na isang HVI arestado sa Roxas City, Capiz

Roxas City, Capiz- Sa kulungan pupulutin ang isang High Value Individual (HVI) na NPA member na naaresto ng mga awtoridad sa isinagawang manhunt operation nitong ika-2 ng Setyembre, 2022 sa Roxas City, Capiz.

Kinilala ng mga operatiba ang naaresto na si Lenilyn Jaynos y Custorio na may mga Alias na Sandra at Elizabeth, 45 anyos, single, isang NGO worker, residente ng Block 4, Lot 17, Happy Homes Subdivision, Barangay Sibaguan, Roxas City, Capiz at isang miyembro ng Regional Finance ng Komiteng Rehiyon-Panay.

Nakumpiska kay Jaynos nang siya ay inaresto sa kanyang bahay ang isang caliber .45; isang caliber .45; dalawang piraso ng magazine assembly para sa Caliber .45; 82 rounds ng live ammunition para sa caliber .45; isang MK2 Fragmentation Hand Grenade; isang PRB 423 Fragmentation Hand Grenade; isang piraso ng Plastic box para sa hand grenade; 2 ID at iba pang mga dokumento.

Samantala patuloy namang tinutugis ng mga operatiba ang dalawa pa nitong mga kasamahan na sina Cirila Estrada y Cordon Alias Sheila Gonzales at Cora, na Secretary ng Southern Front, KR Panay at si Marivie Arguelles y Bartolome, Provincial Coordinator naman ng GABRIELA Capiz Province Chapter.

Si Jaynos ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at RA 9516 o Illegal Possession of Explosives.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe