Tuesday, December 24, 2024

HomeRebel NewsNPA member, boluntaryong sumuko sa Kabankalan City, Negros Occidental

NPA member, boluntaryong sumuko sa Kabankalan City, Negros Occidental

Boluntaryong sumuko ang isang miyembro ng New People’s Army sa kapulisan sa Kabankalan City, Negros Occidental nitong ika-26 ng Setyembre 2022.

Kinilala ang sumukong rebelde na si Ka Edgar (NPSRL), 58 anyos, may asawa at residente ng Purok Mambinay, Barangay Locotan ng nasabing lungsod.

Ayon sa mga awtoridad si Ka Edgar ay miyembro ng Squad 1, Nissan Platoon, Southwest Front Kometing Rehiyonal Negros Cebu Bohol –Siquijor (SWF, KR- NCBS).

Kabilang sa kanyang isinuko ang kanyang baril na isang yunit ng homemade shotgun at dalawang live ammunitions.

Kasalukuyan namang nasa kustodiya ng 604th Company, Regional Mobile Force Battalion 6 ang sumukong rebelde para sa karagdagang dokumentasyon at nararapat na disposisyon.

Patuloy pa rin ang pamahalaan sa paghikayat sa lahat ng mga kababayan nating mapa-hanggang ngayon ay kabilang pa rin sa naturang armadong pakikibaka, na tuluyan ng sumuko at magbalik-loob sa pamahalaan.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe