Arestado ng mga awtoridad ang isang miyembro ng New People’s Army sa kasong murder nitong ika-19 ng Setyembre, 2022 sa Sitio Rosario Batangay Lantangan, Pontevedra, Capiz.
Kinilala ang suspek na si Carina Oliveros y Abuyan na may alias na “Carina Judilyn Oliveros/Ida/ Merly/Tintin.” 38 anyos, walang asawa at residente ng parehong lugar.
Si Oliveros ay isang Medic/Political Guide ng 1st Platoon Bataan- Zambales, Provincial Party Committee Central Luzon, Regional Committee ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army.
Naaresto si Oliveros sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ni Honorable Jose S Valle, Presiding Judge, Regional Trial Court, 3rd Judicial Region, Branch 68, Camiling, Tarlac sa kasong Murder na may Criminal Case Number na 13-219 na may petsang December 3, 2013.
Nag-ugat ang kaso ni Oliveros sa isang shooting incident na nangyari sa Barangay Iba, San Jose, Tarlac noong Mayo 2013 kung saan binaril patay ang isang Barangay Chairman ng dalawang gunmen na pinaniniwalaang mga NPA gamit ang .45 caliber at 9mm pistol.
Kasalukuyan namang nasa kustodiya ang suspek sa Pontevedra MPS para sa karagdagan pang dokumentasyon, bago ito iturn-over sa nararapat na hukuman.