Thursday, January 23, 2025

HomeRebel NewsNPA lider, patay sa sagupaan sa Eastern Samar

NPA lider, patay sa sagupaan sa Eastern Samar

Patay ang isang pinuno ng New People’s Army (NPA) sa sagupaan sa pagitan ng pwersa ng gobyerno at mga rebelde sa upland Osmeña village sa General MacArthur, Eastern Samar nito lamang Huwebes ika-25 ng Hulyo 2024.

Kinilala ng 78th Infantry Battalion ng Philippine Army (78IB) ang napatay na rebelde na si Joel Guarino alyas Duran, Squad Leader ng squad 2 ng Apoy Platoon ng NPA.

Sinabi ni Lt. Col. Joseph Bugaoan sa isang pahayag na nagkaroon ng engkwentro ang pwersa ng gobyerno sa armadong grupo habang nagsasagawa ng development at security operations ang mga tropa sa upland village ng General MacArthur.

Walang nasaktan sa panig ng gobyerno sa 20 minutong bakbakan.

Matapos ang sagupaan, narekober ng mga sundalo ang ilang war paraphernalia, kabilang ang isang caliber .45 pistol, isang homemade grenade, iba’t ibang war materials, at mga dokumentong may mataas na intelligence value.

Iniugnay ni Bugaoan ang matagumpay na operasyon sa sama-samang pagsisikap ng komunidad at ng gobyerno upang wakasan ang lokal na armadong labanan ng komunista.

“Nag-tip ang mga tao sa presensya ng mga NPA na ito, kaya naman nasubaybayan ng ating mga sundalo ang kanilang paggalaw. But they were fired upon when the rebels saw the incoming troops,” sabi ni Bugaoan.

Sinabi ni Brig. Gen. Noel Vestuir, Commander ng Army’s 802nd Infantry Brigade, ang tropa sa pagsubaybay sa mga labi ng namatay na miyembro ng Apoy platoon.

“Ang neutralisasyon ni Guarino ay nag-iwan sa mga labi ng bagong buwag na platun na walang pinuno at walang direksyon. Ngayon, naging roving band na lang sila, nagtatago sa kabundukan para mabuhay,” sabi ni Vestuir.

Ang platoon ng Apoy ay mayroon na lamang 15 na natitirang miyembro hanggang kalagitnaan ng 2024.

Ito aniya ay panibagong pambihirang tagumpay sa kanilang kampanya para manalo ng kapayapaan sa lalawigan ng Eastern Samar dahil sa panawagan niya sa mga natitirang miyembro na talikuran ang armadong pakikibaka ngayong wala na ang kanilang pinuno.

Panulat ni Cami

Source: PNA

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe