Thursday, November 21, 2024

HomeRebel NewsNPA Guerilla Front sa Samar, nabuwag na

NPA Guerilla Front sa Samar, nabuwag na

Dalawang aktibong guerilla front nalang ng New People’s Army (NPA) ang natitira sa Samar Island ang haharapin ng pwersa ng gobyerno matapos mabuwag ang isa at humihina na ang isa pa nitong unang quarter ng 2023, inihayag ng Philippine Army noong Biyernes, Abril 14, 2023.

Sinabi ni Army’s 8th Infantry Division Commander, Major Gen. Camilo Ligayo, ang Front Committee 2 na nag-ooperate sa boundary ng Samar at Northern Samar provinces ay na-demolish sa pagkakahuli at pagsuko ng ilan sa kanilang mga miyembro at pagbawi ng ilang armas.

Humina rin ang Front Committee 3 na kumikilos malapit sa boundery ng Northern at Eastern Samar provinces kasunod ng sunod-sunod na operasyon na isinagawa ng pwersa ng gobyerno, ani ni Ligayo.

Sinabi ng opisyal na umaasa siya na ang natitirang dalawang NPA guerilla front sa Northern Samar ay malapit nang ma-demolish sa ikatlong quarter ng taon.

“With the strength of 12 army battalions, including police forces, I am confident that we have optimized the employment of our capabilities to ensure that we win the fight against communist terrorists,” sabi ni Ligayo sa isang pahayag.

Sinabi rin ni Col. Efren Morados, Commander ng Army’s 803rd Infantry Brigade, bagama’t aktibo pa rin ang Front committee 1 at 15, wala naman silang kontrol sa alinmang barangay sa Northern Samar.

“They are still present in Northern Samar since the focus in the past was the Leyte and other Samar provinces. Since 2020, we have cleared all villages, cut their support from communities, and now we are on the stage of running after their armed fighters,” sabi ni Morados.

Noong 2020, mayroong 232 na mga barangay na naimpluwensyahan ng NPA mula sa 569 na mga nayon sa lalawigan ng Northern Samar.Ang dalawang natitirang grupo ay nasa mga nayon ng Catubig, Las Navas, Silvino Lobos, Palapag, Mapanas, at Gamay.

“Nasa hinterland village sila. Dahil walang suporta mula sa mga komunidad, nabubuhay sila sa pamamagitan ng pag-aani ng niyog, palay, at iba pang pananim sa kabundukan,” sabi ni Morados.

Ilang komunidad sa kabundukan sa Northern Samar ang itinuturing na pugad ng komunistang teroristang grupo dahil sa makapal na kagubatan at hindi magandang kalsada.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe