Saturday, November 23, 2024

HomePoliticsFormer Rebel NewsNPA at 3 pang UGMO Member, kusang sumuko at tinuligsa ang pagkakaanib...

NPA at 3 pang UGMO Member, kusang sumuko at tinuligsa ang pagkakaanib sa CTG

Palo, Leyte- Tinuligsa ng tatlong miyembro ng Underground Mass Organization (UGMO) ang kanilang pagkaanib sa Communist Terrorist Group at lumapit sa mga tauhan ng 4th Maneuver Platoon, 2nd Leyte Provincial Maneuver Force Company sa Brgy Macopa, Jaro, Leyte noong ika-4 ng Agosto 2022.

Kinilala ang tatlo na sina Alias ​​Path, 48 taong gulang at residente ng Tacloban, City, dating miyembro ng Katiguban han mga trabahador nga hurnal ha Tacloban (KATRABAHO), Kalipunang damayang mahihirap (KADAMAY) at Chairman ng Alyansa han mga biktima han bagyo ha Tacloban (ABBAT) People Surge.

Si alyas Marky naman ay 30 taong gulang at residente ng Tacloban City, dating miyembro, at kawani ng BAYAN MUNA at General Assembly Binding Women for Integrity Reform Equality Leadership and Action (GABRIELA).

Habang si alyas Makoy ay 38 taong gulang at residente ng Tacloban City dating miyembro ng Samahang Malayang Kabataan (SAMAKA), Ang Nagkakaisang Kabataan Para sa Bayan (ANAKBAYAN) at Alyansa han mga biktima ng bagyo ha Tacloban (ABBAT) People Surge.

Ang patuloy na pagsisikap at negosasyon ng PNP na nagsimula noong Abril 2022 ay humantong sa kanilang kusang pagsuko at pagbawi ng suporta sa CTG. Sinundo sila ng mga kapulisan sa kani-kanilang tirahan sa Tacloban City.

Ang dahilan ng kanilang pagbawi ng suporta mula sa CTG ay upang tuluyang putulin ang kanilang ugnayan sa rebeldeng grupo, napagtanto din nila kung paano sila pinagsamantalahan ng CTG at inilagay ang kanilang buhay sa panganib sa mga maling pangako at kasinungalingan.

Samantala, noong Agosto 2, 2022, bandang 4:00 ng hapon, isang lalaking miyembro ng CTG, na pinangalanang alyas Bagsik, ang sumuko sa mga awtoridad ng pulisya sa Sitio Balirigan, Barangay Bunga, Villareal, Samar.

Si alyas Bagsik ay binata, 46 taong gulang, fish vendor, at residente ng Catbalogan, Samar.

Batay sa ulat, ang pinagsanib na elemento mula sa Regional Intelligence Division at Regional Mobile Force Battalion 8 ang nagsagawa ng serye ng mga negosasyon sa pamamagitan ng Intelligence at Information Operations na naging dahilan ng pagsuko ni Bagsik.

Nakumbinsi siyang sumuko at ibinalik din niya ang kanyang isang 12-gauge shotgun, isang caliber 38 revolver, siyam na piraso ng bala para sa 12-gauge shotgun, at limang piraso ng bala para sa caliber 38 revolver.

Si alyas Bagsik ay nasa ilalim ng proteksyon at kustodiya ng 805th MC, RMFB 8 para sa tamang disposisyon.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe