Saturday, September 21, 2024

HomeNewsNorwegian National hinainan ng Warrant of Arrest sa Talisay City, Cebu

Norwegian National hinainan ng Warrant of Arrest sa Talisay City, Cebu

Talisay City, Cebu – Muling hinainan ng mga kapulisan ang isang 43 taong gulang na Norwegian National ng warrant of arrest sa kasong Estafa sa Talisay City Jail Male Dormitory, Maghaway Rd. Talisay City Cebu nitong ika-13 ng Setyembre 2022.

Kinilala ng mga awtoridad ang akusado na si Kenny Flashlight alyas Ralph Franch na pansamantalang naka kulong sa Talisay City Jail Male Dormitory sa kasong may kinalaman sa ilegal na droga.

Napag-alaman din ng mga awtoridad na may existing warrant of arrest na ang suspek sa iba pang kaso kaya hinainan na rin ito ng panibagong warrant of arrest.

Ang warant of arrest na inihain sa suspek ay inisyu ni Hon. Mario Villarias Manayon, Presiding Judge ng MTCC, 7th Judicial Region, Branch 1, Talisay City, Cebu noong Agosto 18, 2022 na may docket Criminal Case No.18157.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
156SubscribersSubscribe