Naglaan ang Department of Transportation (DOTr) ng Php75 milyon para sa pagpapalawak ng tatlong daungan sa lalawigan ng Northern Samar para sa taong ito, na naglalayong mapahusay ang koneksyon sa mga isla hanggang mainland.
Ang pondo sa ilalim ng 2023 appropriations ay tutustusan ang pagpapalawak ng mga daungan sa mga bayan ng Allen, Mapanas, at San Jose sa Northern Samar, inihayag ng pamahalaang panlalawigan noong Biyernes.
Ang bawat daungan ay may alokasyon na Php25 milyon.
“This is a big thing for our economic development since barges, commercial vessels carrying supplies for our infrastructure projects will pass through here. In these areas, we also concentrate on copra buying and copra supplying going to Quezon province,” ayon kay Northern Samar Governor Edwin Ongchuan sa isang pahayag.
Inilabas ng pamahalaang panlalawigan ang pahayag kasunod ng pagpupulong noong Enero 4 sa mga opisyal ng DOTr, Gobernador Ongchuan, Bise Gobernador Clarence Dato, at Mayor ng bayan ng Mapanas na si Ronn Michael Tejano.
Pinirmahan din nina DOTr Undersecretary for Maritime Elmer Sarmiento at Ongchuan ang isang memorandum of agreement sa DOTr main office sa parehong araw.
Samantala, inulit ni Tejano ang kanyang kahilingan sa DOTr para sa pagpapatayo ng Pambujan Domestic Airport sa bayan ng Pambujan at sa rehabilitasyon at pagpapaganda ng Lighthouse sa Batag Island, Laoang, Northern Samar. Wala pang tugon ang departamento sa kahilingan ng local na pamahalaan.