Friday, April 18, 2025

HomeNewsNegros Oriental PNP, tiniyak ang kaligtasan ng mga delegado ng CVIRAA Meet...

Negros Oriental PNP, tiniyak ang kaligtasan ng mga delegado ng CVIRAA Meet 2025

Dumaguete City – Tiniyak ng Negros Oriental Police Provincial Office (NOPPO) ang seguridad ng libu-libong delegado sa 2025 Central Visayas Regional Athletic Association (CVIRAA) Meet na gaganapin sa Bayawan City mula Marso 11 hanggang 16, 2025.

Ayon kay Police Lieutenant  Stephen Polinar, spokesperson ng NOPPO, may 300 pulis ang na-deploy noong weekend sa Bayawan City at kalapit na mga bayan upang tiyakin ang kaligtasan ng mga manlalaro, coach, at iba pang miyembro ng delegasyon.

Gaganapin ang pangunahing mga palaro sa Bayawan-Sta. Catalina campus ng Negros Oriental State University (NORSU), habang 33 billeting quarters ang itinakda ng Department of Education (DepEd) para sa mga kalahok.

Nakakalat ang mga billeting quarters at sporting venues sa Bayawan City, Sta. Catalina, at Basay. Upang mapanatili ang seguridad, nagtayo ng police assistance desks sa mga lugar na ito, habang regular na nagsasagawa ng foot at mobile patrols.

Ilang atleta at coach ang dumating na sa Bayawan City nitong weekend bilang paghahanda sa palaro. Ang opisyal na pagbubukas ng CVIRAA ay nakatakda sa Marso 11, alas-3 ng hapon, sa NORSU Bayawan-Sta. Catalina campus, kung saan dadalo ang mga opisyal ng DepEd at iba pang panauhin.

Ang CVIRAA 2025 ay nilalahukan ng mga delegado mula sa Cebu, Bohol, Negros Oriental, at Siquijor, pati na rin ng iba’t ibang lungsod sa Central Visayas.

Source: PNA

RELATED ARTICLES
[td_block_social_counter facebook="tinigngkabisayaan" twitter="TinigKabisayaan" youtube="channel/UCC_QNm7kwd7W63yRh3raxoA" instagram="TinigNgKabisayaan" tiktok="@tinigngkabisayaan" manual_count_facebook="278" manual_count_instagram="1" manual_count_tiktok="54" custom_title="STAY CONNECTED" header_color="#dd9933"]