Nagpapasalamat ang mga residente ng mga isla sa bayan ng Guiuan, Eastern Samar sa Department of Health sa pagbibigay sa kanila ng sea ambulance.
Ang chairman ng barangay ng Cagusuan na si Mr. Romulo Francillo, na kumakatawan sa mga opisyal ng komunidad ng walong nayon sa mga isla ng Homonhon at Suluan, ay nagsabi na ilang taon na nilang hinintay ang proyektong ito.
“Kami ay nagpapasalamat sa proyektong ito mula sa gobyerno. Alam namin na ito ay malaking tulong sa aming naninirahan sa mga isla na nayon,” ani Francillo sa turnover nitong Martes.
Pinangunahan ni Department of Health 8 Director Exuperia Sabalberino ang pag turnover ng Php4.6 milyong halaga ng sea ambulance na tinanggap ni Guiuan Mayor Annaliza Kwan.
Ang Suluan at Homonhon Islands ay nasa kahabaan ng Pacific Ocean at mapupuntahan sa pamamagitan ng dalawang oras na biyahe sa bangka kapag maganda ang panahon.
Ito ang dalawang Isla kung saan dumaong si Ferdinand Magellan, upang magtipon ng pagkain sa unang pag-ikot niya noong Marso 16, 1521.
Ang sea ambulance ay may stretcher, automatic defibrillator, nebulizer, portable suction machine, at iba pang kagamitang medikal.
Tiniyak ni Kwan na aalagaan nang husto ng lokal na pamahalaan ang tulong na ito mula sa pambansang pamahalaan.
Sasagutin din ng lokal na pamahalaan ang suweldo ng dalawang tauhan na nakatalaga sa pagpapatakbo ng sea ambulance.
Ang nasabing tulong na kagamitan ay para sa mga mamamayan ng Guian ay isa sa mga programa ng ating Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na mabigyang pansin o tulong ang mga mahihirap nating kababayan at ito ay patuloy ang suporta ng pamahalaan tungo sa Bagong Pilipinas.
Panulat ni Ummah
Source: PNA