Friday, November 8, 2024

HomeNewsNegros Occidental, ilalagay sa estado ng Stable Internal Peace and Security (SIPS)...

Negros Occidental, ilalagay sa estado ng Stable Internal Peace and Security (SIPS) ayon sa Militar

Nagmungkahi ang Philippine Army 3rd Infantry Division na ang Negros Occidental ay ilagay sa estado ng Stable Internal Peace and Security (SIPS), na ibig sabihin ay wala ng insurhensiya. Ayon sa Militar, wala nang natitirang pag-aaklas ng komunista sa isla ng Negros.

Binigyang diin ito ni Lieutenant Colonel J-Jay Javines, Chief Public Information Officer ng Army 3rd Infantry Division na ang Negros Occidental ay nasa estado ng Stable Internal Peace and Security (SIPS).

Sinabi ni Javines na binuwag ng pamahalaan ang limang active guerrilla fronts na kumikilos sa isla ng Negros. Dagdag pa niya, hindi lamang ang pagbuwag sa active guerrilla fronts ang mahalaga, kundi pati na rin ang katotohanang walang malalang karahasan na inumpisahan ng mga rebeldeng komunista sa taong 2023.

“We are empowering the local government units (LGUs) in their peace, security, and development effort. The declaration will make them more deeply involved, meaning they will be the ones initiating programs, projects, and activities to end local communist armed conflict. We will do this with the implementation of the Sustainment Plan to ensure that remnants of dismantled guerilla fronts will not be able to recover. Together with the declaration comes a Sustainment Plan, which details the delivery of various government services and infrastructure projects to bring in development, especially in far-flung villages,” ani Javines.

Sa kabilang dako, sinabi ni Negros Occidental Governor Eugenio Jose Lacson na ang Regional Peace and Order Council ay kailangang magpulong sa Marso 13, 2024 upang talakayin kung ang deklarasyon ng SIPS sa Negros ay praktikal.

Nilinaw naman ni Javines na patuloy pa ring isasagawa ng Philippine Army ang mga combat operations kahit pagkatapos ng deklarasyon ng SIPS, at patuloy na maglilingkod para sa seguridad ng ating kumunidad.

Source: Rappler

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe