Tuesday, December 24, 2024

HomeSportsNegrense Taekwando Team panalo sa 7th Donnie Geisler Taekwondo Championships

Negrense Taekwando Team panalo sa 7th Donnie Geisler Taekwondo Championships

Panalo ang Negrense Taekwando Team sa ika- 7 Donnie Geisler Taekwando Championships na ginanap sa Colegio San Agustin Sports Complex sa Makati City nitong Biyernes, Agosto 12, 2022.

Kinilala ang kupunan bilang Team KD Black Knights na binubuo ng mga taekwando athletes mula sa Bago City at San Enrique sa Negros Occidental.

Ayon kay San Enrique Councilor Kirk Steven Debulgado, na siya ring founder ng taekwando club sa bayan ng San Enrique, ang kupunan ay nakipagtagisan ng lakas sa iba pang mga kupunan mula sa ibat ibang probinsya at rehiyon ng bansa.

Naunang nakuha ni Edjelyn Latido ang gold medal sa poomsae event kung saan mahusay niyang ipinakita ang ibat ibang fundamental stances, blocks, punches at kicks habang nakuha naman ng kanyang mga kasamahan na sina Blezy Ashirah Jucal at Dan Emmanuel Real ang silver sa nasabing kategorya. Habang nakuha naman ng kanilang kasamahan na si Chris Andrei Flores ang bronze medal.

Nanalo din ng dalawang gintong medalya si Real Kyorugi o taekwondo sparring competition habang nakakuha din ng ginto sina Latido, Jucal at Flores kasama sina John Lester Rio, Sid Zean Noble at Yssa Angeli Tambanillo sa parehong kategorya. Samantala nakakuha rin ang isa nilang kasamahan na si Hezekiah Berniece Doctora ng silver medal sa naturang kategorya.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe