Monday, November 25, 2024

HomeNegrense nagtapos na Summa Cum Laude sa UP Diliman

Negrense nagtapos na Summa Cum Laude sa UP Diliman

Nagtapos na Summa Cum Laude ang isang Negrense sa University of the Philippines (UP) Diliman sa Quezon City nitong ika-31 ng Hulyo, 2022.

Si Angeli Francesca Peña Lacson ay nagtapos sa kursong Comparative Literature nitong nakaraang Linggo. Nakakuha siya ng general weighted average na 1.068, isa sa pinakamataas sa lahat ng nagtapos na summa cum laude sa nasabing unibersidad.

Habang nag-aaral pa sa UP, si Lacson ay nakapag-publish na ng iilan sa kanyang literary works sa ibang bansa. Siya ay aktibo rin sa community development work.

Siya ay anak ni Alex Lacson, isang Negrenseng abogado na lumaki sa Kabankalan City. Si Alex Lacson at ang kanyang asawa na si Pia ay nagtapos din sa UP Diliman.

Samantala ang kanilang bunsong anak na lalake na si John Mark ay nagtapos din sa junior high school sa Paref Northfield Academy nitong Mayo ngayong taon bilang first honor.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe