Thursday, January 23, 2025

HomeNational NewsNegrense, nag-iisang pumasa mula sa Western Visayas sa Young Farmers Internship Program...

Negrense, nag-iisang pumasa mula sa Western Visayas sa Young Farmers Internship Program sa Taiwan

Isang Senior High School graduate mula sa STI- West Negros University ang tanging nag-iisang nakapasa mula sa Western Visayas sa Young Farmers Internship Program (FYFIP) sa bansang Taiwan.

Si Arron Aliste Asuncion ay mula sa bayan ng La Castellana, at kasapi sa young farmer-member ng 4-H Club ng nasabing paaralan. Ang kanyang mga magulang ay magsasaka kung saan nagtatanim ang mga ito ng palay, mais at gulay, mayroon ding mga alagang hayop gaya ng manok at baboy at maliit na palaisdaan.

Ang Filipino Young Farmers Internship Program sa bansang Taiwan ay nabuo sa pamamagitan ng Manila Economic and Cultural Office at ng Taipei Economic and Cultural Office in the Philippines, kung saan layunin nitong mas mapagtibay pa ang pagpapatupad ng mga internship program para sa mga kwalipikadong mga mag-aaral na nagbabalak na kumuha ng iba’t ibang mga agricultural courses.

Ito ay isang scholarship program na tutulong sa mga magiging benipisyaryo nito upang mas mapayabong pa ang kanilang kaalaman at madagdagan pa ang kanilang kakayahan kaugnay sa mga modern agricultural at fishery technique kabilang na ang value chain management, cooperative management, at ng mga katulad nitong pagsasanay, disiplina at tamang pamamaraan.

Si Asuncion ay pumasa sa pre-qualifying exam at ng selection process na isinagawa ng Department of Agriculture-Agricultural Training Institute (DA-ATI) sa Aklan noong nakaraang Marso 24, 2023.

Sa ngayon nakatakda na siyang sumailalim sa Pre-departure Orientation Course (PDOC) sa darating na Hulyo 24, 2023 sa DA-ATI Central Office, na agad namang tutungo sa Maynila para sa kanyang send-off ceremony sa susunod na buwan.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe