Friday, November 15, 2024

HomeNewsNegosyante sa Alegria, Cebu pinatay na ninakawan pa

Negosyante sa Alegria, Cebu pinatay na ninakawan pa

Natagpuang wala ng buhay ang isang negosyante sa loob ng kanyang bahay sa Sitio Culansehan, Barangay Lepanto, Alegria, Cebu dakong alas-4:30 ng hapon noong Linggo, Hulyo 24, 2022.

Kinilala ang biktima na si Ildefonso Glodove, 66, nagbebenta ng mga hayop at mag-isang naninirahan sa kanyang tahanan.

Ayon kay Patrolman James Vincent Morales iniulat ng mga kaanak ng biktima ang insidente sa kanilang himpilan alas-7:30 ng gabi nang Linggo  na kung saan ayon sa mga ito ay nakita nilang nakadapa at wala ng buhay ang biktima sa sahig  at napag-alaman na ang pouch ng biktima na nakalagay sa kanyang baywang na naglalaman ng pera ay nawawala.

Ayon pa kay Morales si Glodove ay nagtamo ng saksak sa kanyang likod at iba pang bahagi ng kanyang katawan na naging sanhi ng kanyang pagkamatay.

Naniniwala si Morales na ang krimen ay talagang pinagplanuhan dahil alam ng suspek na may pera ang biktima sa mga oras na iyon at walang kasama sa bahay.

Hindi pa matukoy ang eksaktong halaga ng perang nawawala sa biktima.

Gayunpaman ang mga awtoridad ay patuloy pa rin sa pagsasagawa ng kanilang imbistigasyon upang matukoy ang taong nasa likod ng naturang pananaksak at mapanagot ang salarin sa batas.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe