Palo, Leyte – Bumisita ang National Security Adviser at Vice-Chairperson ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na si Ginang Clarita R. Carlos para tugunan ang mga ugat ng insurhensiya at terorismo, gayundin para mapakinggan ang mga kahilingan ng NTF-ELCAC sa Eastern Visayas na ginanap sa Matapat Hall, Camp Ruperto K Kangleon, Palo, Leyte nitong Oktubre 26, 2022.
Ang Joint Regional Task Force 8-Technical Working Group (JRTF8-TWG) ay nakipagpulong kay Carlos upang harapin ang mga isyung may kinalaman sa ELCAC.
Dumalo rin sa aktibidad ang mga NTF-ELCAC delegates at mga kinatawan ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno.
Binigyang-diin ni Carlos na magfocus sa science-based Monitoring and Evaluation (M&E) of all ELCAC PPAs.
Ayon naman kay Major General Camilo Z. Ligayo, Chairperson ng JRTF8-TWG, na malaki ang improvement ng pagbuwag sa Guerilla Fronts (GFs) sa rehiyon. Idinagdag niya na ang JRTFS8 ay dapat patuloy na magtulungan upang mapanatili ang mga ginagawang hakbang para mabawasan ang mga kakayahan ng Communist Terrorist Group (CTG) at pagpigil sa recruitment nito.
Kinilala ni Carlos ang pagsusumikap ng JRTF8 sa pagtulong upang matugunan ang mga pangunahing dahilan kung bakit sumasali ang mga tao para maging miyembro ng CPP-NPA.
Idinagdag pa niya na kailangan siyang bigyan ng isang ordinal list ng mga pangunahing kailangan ng rehiyon para mabigyan ng prayoridad.
Binanggit din niya na kailangang makabuo ng isang national strategy kung aling lugar ang dapat pagtuunan ng pansin. Dahil ayon sa kanya, kailangan muna ang kapayapaan at kaayusan bago mangyari ang pag-unlad na ating inaasam.