Sunday, July 7, 2024

HomeNational NewsNasawing rebelde sa Kabankalan City, mataas na lider ng NPA sa Negros...

Nasawing rebelde sa Kabankalan City, mataas na lider ng NPA sa Negros island

Positibong kinilala ng mga awtoridad ang isa sa mga nasawing rebelde sa naganap na engkwentro sa Kabankalan City sa lalawigan ng Negros Occidental nitong ika-30 ng Nobyembre taong kasalukuyan.

Ayon sa mga informant at iba ring mga former rebel, ang nasawing NPA ay si Ericson Legazpi Acosta alyas Raffy, 43 anyos, at tubong Ligao City, Albay.

Si Acosta ay ang kasalukuyang Deputy Secretary ng Komiteng Rehiyon- Negros Cebu Bohol Siquijor (KR-NCBS) at ang pinuno ng Political Unified Committee (PUC) ng teroristang NPA sa Visayas.

Siya ang asawa ng yumaong si Kerima Tariman, pareho ring lider ng NPA na nasawi sa enkwentro sa pagitan ng mga sundalo sa Silay City nito lamang Agosto 22 ng nakaraang taon.

Si Acosta ang humalili bilang First Deputy Secretary ng Komiteng Rehiyon-Negros matapos maaresto si Ramon Patriarca alyas Chino, ang dating Acting Secretary ng Komiteng Rehiyon-Negros.

Nadeploy si Acosta at ang kanyang asawa sa isla ng Negros ng National Organ of the New People’s Army noong 2018 upang mamuno sa Regional Party Committee ng NPA sa Negros.

Bilang pinuno ng Political Unified Committee (PUC), si Acosta ay miyembro rin ng Pambansang Kalihiman sa Edukasyon (PAKED) na siyang rason upang maging direkta itong miyembro ng Executive Committee ng KR-NCBS.

Kasama rin siya sa iba’t ibang kaguluhan at ilegal na aktibidad na naganap sa isla ng Negros kabilang na rito ang naganap na pag-ambush sa Binalbagan PNP kamakailan lamang. Nagsagawa rin ito ng mga pagsasanay sa iba’t ibang bahagi ng isla kaugnay sa kanilang political at communist doctrine upang mas mapalawak pa ang NPA at ang kanilang Politico-Military Organizations (Underground Organizations).

Kabilang din sa nasawi sa naturang engkwentro ang nagngangalang Albert Jimenez alyas Tan-Tan.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
156SubscribersSubscribe