Saturday, September 21, 2024

HomePoliticsFormer Rebel NewsNasawing mga NPA sa Binalbagan, Negros Occidental, may pagkakakilanlan na

Nasawing mga NPA sa Binalbagan, Negros Occidental, may pagkakakilanlan na

May pagkakakilanlan na ang apat na nasawing mga kasapi ng New People’s Army o NPA sa nangyaring enkwentro sa pagitan ng pamahalaan at ng armadong grupo kamakailan lamang sa Binalbagan, Negros Occidental.

Kinilala ni Brigadier General Inocencio Pasaporte, 303rd Brigade Commander, Philippine Army, ang apat na mga nasawi na sina (1) Roel Sagon alias “Berio”, 30 anyos, Squad leader ng Squad 3 Central Negros 2 – Komiteng Rehiyon Negros (CN2-KRN), at residente ng Brgy Buenavista, Himamaylan City; (2) Rowel Udtuhan alias “Jing -jing/Caloy,” 40 anyos,  Assistant Squad Leader  Sqd 3, CN2-KRN, residente ng Brgy San Antonio, Himamaylan City; (3)  Alden Rodriguez alias” Bigboy “, 20 anyos, miyembro ng Squad 3, SDG, CN2, residente ng Brgy. Bantolinao, Manjuyod, Negros Oriental.

Habang ang nasawing babae naman ay kinilalang si (4) Nika Ledesma alias “Sarah Jane/ Chai”, 20 anyos, Political Guide ng Squad 3, CN2-KRN at residente ng Cebu City.

Ayon sa mga awtoridad, kabilang din ang apat sa grupong tumambang sa mga tauhan ng Binalbagan Municipal Police Station lulan ng kanilang patrol car noong Pebrero taong kasalukuyan.

Samantala nagpaabot naman ng buong pakikidalamhati si General Pasaporte sa mga pamilya ng mga nasawi habang mariin naman niyang kinondena ang CPP-NPA sa patuloy na pag-iimpluwensya at pagpapalaganap ng kasinungalingan lalo na sa mga kabataan na siyang kadalasan naging biktima sa kanilang makasariling hangarin.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
156SubscribersSubscribe