Catbalogan – Umaasa si Mayor Dexter Uy na magkaroon ng museo para sa mga likhang sining o obra sa lungsod na maaaring bisitahin ng mga residente sa hinaharap.
Ito ang pahayag ni Uy nang makausap niya ang mga lokal na artista sa kanyang pagbisita sa isang exhibit na itinayo ng Catbalogan City Tourism, Culture, Arts & Information Office (CTCAIO) sa tapat lamang ng City Hall.
Ang mga ipinakitang likhang sining ay kasali sa ginanap na paligsahan kamakailan lamang sa lungsod bilang bahagi ng pinalawig na pagdiriwang ng Pambansang Buwan ng Kababaihan, Araw ng Kalayaan at ng ika-15 Charter Anniversary ng lungsod.
“Nakaka-proud nga mayda kita sugad nga mga talentado nga mga Catbaloganon ngan makalilipay nga napapadasig naton an ira mga nahimo,” siring ni Uy.
(“Nakakaproud makita ang mga likha ng mga mahuhusay nating kapwa Catbalogans, sana ang kanilang tagumpay ay makakapagbigay inspirasyon sa ating lahat,” sabi ni Uy.)
Dagdag pa niya, “Sana magkaroon tayo ng permanenteng lugar o museo kung saan pwede nating paglagyan ang mga likhang sining ng mga Catbalogan.”
Pagkatapos ng kanyang pagbisita, inulit niya ang kanyang imbitasyon sa mga residente na muling bisitahin at tignan ang libreng exhibit na “Padasig Art Exhibit” mula 08:00 AM hanggang 10:00 PM hanggang July 05, 2022.
Source: Samar Weekly Express FB Page | https://web.facebook.com/samarexpress/posts/pfbid02A5oUtGAB6bTb77vd6a6o6v6r9M6FBjcae7RhybLQKo1zg6yEAnEkoc7qQJGCZAaSl